Originally posted on my friendster blog, September 8th, 2009 at 2:34 am
Kung inaakala mong pare-pareho lang ang mga vending machine, dyan ka nagkakamali. Meron vending machine na marunong mang-asar sa Batha (lugar sa Saudi) na malapit sa City Food Court (Fast Food) na talagang mapapaisip ka kapag ginamit mo… As in talagang magtataka ka, baka nga mapagamit ka pa ng logic eh, tulad ko na may palogic-logic pang nalalaman hahaha!
September 6, 2009.. Mga pasado 6:45pm ay nagpunta kami ng pamilya ko sa Batha. Dahil medyo gabi na yun, nagugutom na kami kaya nagpasya kaming bumili muna ng makakain
Ang naalala kong choices doon sa vending machine ay pepsi diet, shani, mirinda apple, mirinda strawberry at mirinda orange (exact order) na makikita doon sa babang pilian sa vending machine. Yung sa taas na pilian ay di ko na matandaan kung anong meron sa sobrang dami.
Hmm.. shani, long time no taste. Yun
Pinindot ko na ang pindutan para sa mirinda strawberry at may lumabas nang softdrinks in can sa vending machine ngunit nung kinuha ko na, laking gulat ko ng makita ko na mirinda apple ang lumabas.
Napaisip tuloy ako, “Mirinda strawberry ang pinindot ko ah… pero bakit ito ang lumabas? Nagkamali ba ako?… sigurado akong hindi”
Pero dahil hindi pwede magreklamo sa vending machine, hindi na ako nagreklamo at tinanggap na lang ang mirinda apple. Sinabi ko na lang sa sarili ko na masarap din naman yung mirinda apple”
Tapos na gawin ang mga inorder namin, kinuha na namin yung mga inorder namin at umalis na
Hindi pa ako tapos kumain ng jumbo shawarma nung bumalik na ang mama ko at tinanong kami ng papa ko kung gusto namin sumama sa kanila mamalengke. Dahil ayokong maglakad habang kumakain, sinabi ko na doon na lang ako maghihintay sa bench sa kanila at dahil nagdesisyon akong magpa-iwan, nagpa-iwan na rin ang kuya ko para samahan ako.
Ubos na ang kinakain at iniinom ng kuya ko habang ako ay medyo kalahati pa ang jumbo shawarma kong kinakain at ang laman ng iniinom kong mirinda apple. Maya-maya ay nagyayang bumili ng inumin ang kuya ko ngunit sinabi kong “sandali lang uubusin ko muna to” (referring to my jumbo shawarma).
Dahil siguro alam ng kuya ko na mabagal akong kumain, nagpasya siyang bumili mag-isa at sinabi nya na sya na lang bibili… babalik na lang daw siya. Sinabi ko na may malapit na vending machine sa City Food Court, at dahil abot-tanaw ko naman yun, itinuro ko na din at agad siyang umalis.
Maya-maya, bumalik na ang kuya ko na may iniinom na shani na kina-inggitan ko naman kaya paglapit ng kuya ko ay agad ko syang kina-usap. “Yan dapat ang bibilhin ko eh… Kaso nakita ko yung mirinda strawberry. Yun pinindot ko, ito lumabas”. Inangat ko pa ang ininumin kong mirinda apple nang bigla naman natawa ang kuya ko at sumagot na “yan ang pinindot ko, ito lumabas”. “Oh? hindi nga?” Bigla kong naitanong.
Akala ko niloloko nya lang ako nung una pero mukha siyang seryoso. Sabi nya pa “subukan mo.” kaya naniwala na ako. Dahil ubos na ang iniinom kong mirinda apple at na-iinggit ako sa shani ng kuya ko, niyaya ko ang kuya na pumunta doon sa may vending machine para bumili ng inumin ulit.
Nagdesisyon ako na pagdating namin doon na mirinda apple ang pipiliin ko para shani ang lumabas. Ngunit ng pagdating namin doon, natukso nanaman ako sa mirinda strawberry. Oh the temptation, I can’t resist it hahaha! So nagbago ang isip ko, gusto ko nanaman ng mirinda strawberry.
Pinasok ko na ang 1 Riyal sa vending machine at napaisip, “teka, baka iba nanaman ang lumabas… kailangan ng operation logic”. Mukhang desperado na ako sa mirinda strawberry ah. Grabe na talaga ang temptation. XD
Sabi ko sa kuya ko “Baka iba nanaman ang lumabas. Kung mirinda apple na nasa left ng mirinda strawberry ang lumabas nung mirinda strawberry ang pinili ko at shani naman ang lumabas na nasa left ng mirinda apple na pinili mo, ibig sabihin kapag pinili ko yung mirinda orange, mirinda strawberry ang lalabas dahil nasa left yun ng mirinda orange.” “Siguro.” Sagot naman nya.
Dahil yun ang natutunan ko sa logic, sigurado na akong yun ang mangyayari. So pinindot ko na ang mirinda orange at may kumalabog na sa vending machine takda na merong nang lumabas na inumin. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong mirinda orange din mismo ang lumabas! Tawang-tawa ang kuya ko sa nangyari at ako naman ay hindi makatawa dahil ako ang iinum.
Pero sabi nga nila, there’s always a bright side. So what’s the good, the bad and the ugly?
The good or the bright side is at least I got a drink.
The bad is, it’s not the drink that I wanted.
The ugly is me hahaha! Joke lang yun. Kita mo natawa ka, ibig sabihin joke lang talaga yun. Huwag mong sabihing hindi 
