Ano ba ang Kawkaw? Ito'y isang ibon. Isang ibon daw na maaaring alaga ng aswang.
Una kong narinig ang tungkol dito sa kuya ko noong grade 2 pa lamang ako sa Capiz. Galing kaming lahat sa Las Pinas noon pero lumipat kami sa Capiz, probinsya ng mga magulang ko dahil ibebenta na ng tita ko ang bahay na tinitirahan namin sa Maynila.
Naunang lumipat sa Capiz ang mga kapatid ko kaysa sa akin dahil hiniling ng tita ko na manatili muna ako sa Maynila habang naroroon pa siya kaya naiwan ako sa Maynila.
Pero hindi nagtagal ay bumalik na siya sa Australia kaya iniwan niya ako sa aking mga pinsansa Olonggapo hanggang sa sunduin ako ng mama ko para umuwi sa Capiz.
Mula nung nanirahan ako sa Capiz, tuwing papalubog na ang araw ay marami akong naririnig na tunog ng kawkaw.
"Kaw kaw!"
"Kaw kaw!"
"Kaw kaw!"
Minsan mahina, minsan malakas.
Dahil hindi ko naman ito naririnig noong nasa Maynila pa ako. Naging curious ako dito pero dahil mangmang pa lamang ako noon, hindi ko nagawang itanong ito kahit kanino hanggang sa tinanong ako ng kuya nung kinagabihan.
"Naririnig mo ba yun?"
"Yung ano?"
"Yung kawkaw?"
"Ah. Ano ba yun?"
"Ibon ng aswang" Parang may shockwave na nagmula sa aking dibdib nung narinig ko yun.
Sinabi niya na ang mga kawkaw ay mata ng mga aswang. Kung meron silang gustong sundan, maaring kawkaw na lang ang susunod sayo at pag alam mong sinusundan ka ng kawkaw, asahan mo nang may aswang sa paligid.
Isa pa sa mga sinabi sa akin ng kuya ko ay mapanlinlang ang kawkaw tulad ng aswang na hindi naman nakakapagtaka dahil alaga nga ng aswang diba?
Sabi niya, pag malapit ang kawkaw, mahina ang tunog nito. Kapag malayo naman, malakas ito. Kaya dapat mas-aware ka pagpahina ng pahina ang tunog nito.
Kadalasan nagtatago sila sa taas ng mga puno kung saan hindi mo sila makikita habang sinusundan ka nito.
Araw-araw tuwing lulubog ang araw sa Capiz ay maririnig mo ang kawkaw pero ni minsan ay hindi pa ako nakakita nito. Ang mga nakikita ko lang ay mga parang tuldok na naglilipiran sa ere. May mga nakita akong ibon pero sa tingin ko, hindi yun ang kawkaw.
Nag-grade 3 ako sa Saudi. Doon ako nag-aral hanggang first year pero umuwi ako sa Capiz nung magsesecond year na ako dahil magfofourth year na ang kuya ko nun kaya nagpasya si papa na pauwiin kami sa Pilipinas dahil naniniwala siyang masmaganda ang mga paaralan sa Pilipinas.
Isang araw nung 2nd year ako sa Capiz, papauwi na kami ng kuya ko mula sa computeran. Masaya kami noon kaya kahit ano lang pinagtrtripan namin. Mga siguro magaalas-siyete na noon. Madilim na ang paligid at nakarinig kami ng kawkaw. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip namin noon at nagpasya kaming pagtripan ang kawkaw. Ginaya namin ang tunog nito.
"Kaw kaw!" "Kaw kaw!" "Kaw kaw!" "Kaw kaw!"
Nagpagalingan pa kami sa paggaya hanggan sa makauwi na kami ng bahay.
Later nung gabing iyon puro kawkaw na lang ang naririnig namin sa loob ng bahay. Parang sobrang dami nila. Hindi, hindi lang parang, sobrang dami talaga nila dahil walang hinto ang tunog ng kawkaw, mahina at malakas na parang napapalibutan ang bahay namin.
Mga bandang pasado 9:30 ay tinawag kami ni papa sa baba. "Pogi! Gwapo! (hindi namin tunay na pangalan). Bakit ang daming kawkaw sa labas ng bahay?" Tanong ni papa na galit.
"Ginaya niya ba ang tunog ng kawkaw?"
Nagkatinginan kami ng kuya ko at pareho kaming tumango.
"Nagagalit ang kawkaw pag ginagaya niya sila, tingnan niyo yan ngayon." sabi ni papa
PInaakyat niya na kami sa kwarto. Hindi ko alam kung anong ginawa niya pero alam ko lumabas yata siya ng bahay tapos maya-maya tumahik na sa loob ng bahay.
Im currently staying here in Capiz. And actually napunta ako dito sa Blog mo po dahil nakarinig ako ng Kaw-kaw ngayun lang, at totoong nakatakot ito, halos lahat ng mga matatanda dito nagsasabi na alaga nga ng aswang ang kaw-kaw. May nakapag kwento din dito (isa sa mga kasama namin) na nakahuli na daw sila ng kawkaw, ang itsura daw neto ay napakaliit na ibon, kulay itim, malaki ang mga mata at kulay pula, may begote daw ang sa may bandang tuka ng anim na piraso. 😐 (parang nakakatawa lang kasi binilang talaga yung begote) tsaka may ngipin daw ito sa tuka nya. Marami na daw silang nahuling kaw kaw at pinapatay nila ito, dahil hindi daw ito basta bastang hayup lang, kundi minsan daw, mga aswang ito na nagpapanggap ng ibon, at minsan tama po kayo na alaga ng aswang na nagsisilbing mga mata nila at may sinusundan pag meron silang gusto makuha.kadalasan naririnig namin ito pag meron lamay sa patay. At tanging paraan daw para umalis ang mga ito ay bigkasin ang lahat ng mga klase ng puno a posible nilang dinadapuan at pwede din daw na magtapon ng asin sa paligid at murahin para matakot. At turo din ng mga matatanda dito na kapag may mga masasamang nilalang na nasa paligid, bigkasin daw ng paulit ulit ang mga katagang "Pwera Aswang, Pwera Sinda., Pwera Tuyaw, Pwera Usog" ng paulit ulit dahil panguntra daw ito sa mga masasamang nilalang. Wala namang mawawala kung susundin. Kaya ako, naniniwala ako dito. Yun lang po.😊
ReplyDeleteSalamat.